Palasyo, Kinastigo ang mga opisyal ng PS Bank

PINAGSABIHAN NG Palasyo ang mga opisyal ng PS Bank na umayos sa kanilang pagtestigo.

Ito’y kaugnay ng pagkakakuwestiyon sa bank documents na inihain ng prosekusyon bilang ebidensiya laban kay Chief Justice Renato Corona.

Unang tumestigo si PS Bank Pres. Pascual Garcia para i-authenticate ang mga dokumento pero kinontra naman ito ni PS Bank branch manager Annabelle Tiongson sa pagsasabing hindi galing sa kanila ang mga papeles.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat mag-usap sina Garcia at Tiongson para ayusin ang pagkakaiba ng pahayag.

Para sa kanila ay totoo at hindi pineke ang mga bank documents dahil tugma ang nakasaad na account numbers sa itinestigo ni Garcia, saad ni Lacierda.

Lumalabas na may ilang detalye ang hindi tugma sa iniharap na bank records at pinagpapaliwanag din ng impeachment court ang prosekusyon kung paano nakuha ang mga nasabing dokumento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.