Palasyo: Kaso ng Maguindanao Massacre, Kumplikado

TINIYAK NG Palasyo na gumagawa ito ng hakbang para mapabilis ang resolusyon sa kaso ng Maguindanao Masscare na ikinasawi ng 58 katao apat na taon na ang nakararaan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dahil ang kaso ay kumplikado, tanging magagawa lamang ng Palasyo ay umasa na mapabilis pa ang paglilitis sa mga salarin na dawit sa pagpaslang sa 58 katao noong Nobyembre 23, 2009.

“The hearing of the case at least at the regional trial court stage, we’re hoping, I think, everybody is really hoping that it would go faster,”ani Valte.

“Our prosecutors have stuck to the instructions of the President to avoid delays on the part of the government as well as to fight any attempts of delay on the part of the defense,” pahayan pa nito.

Giit ang prinsipyo ng “separation of powers” sa mga sangay ng gobyerno, tumangging magkomento ang opisyal sa pahayag ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Jocelyn Solis-Reyes na pipilitin niyang tapusin ang kaso bago magtapos ang termino ni Pa-ngulong Noynoy Aquino III sa 2016.

“At this point the most we can do is do our part, and hope that the rest of the other part will do its share as well,” ayon pa kay Valte.

Dahil sa bagal sa pagsulong ng nasabing kaso, hiniling na ng pamilya ng mga pinaslang na biktima sa United Nations na brasuhin ang pamahalaan ng Pilipinas na bigyan na lang sila ng kompensasyon.

“From what I understand, this is not the first time that this particular news has come up that they filed case in the United Nations, or at least a complaint. We will check with the other branches or at least to the other offices in the Executive if they have received any documents from the United Nations on this particular complaint,” dagdap pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.