Palasyo, hugas-kamay sa Sabah bloodshed

BINIGYANG-DIIN NG Palasyo na hindi sila dapat sisihin anuman ang sinapit ng grupo ni Raja Mudah Agbimuddin Kiram sa Sabah.

Ito’y matapos ang ginawang operasyon ng Malaysian Army sa pinagkukutaan nina Kiram kung saan ginamitan ng aerial assault.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi sila nagkulang sa mga pakiusap, paalala, at babala sa grupo ng mga Kiram para maiwasan ang karahasan.

Sinabi ni Lacierda na malinaw naman na si-

mula pa lamang, mismong si Pangulong Benigno ‘ Noynoy’ Aquino III na ang nanawagan sa mga Kiram para sumuko na upang hindi dumanak ang dugo.

Samantala, nagmatigas daw ang mga Kiram at pinili ang landas ng karahasan matapos suwayin ang mga kinauukulan.

“They have chosen the path of violence, they disobeyed authorities,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.