Palasyo, Dumidistansya kay Brillantes

PATULOY ANG pagdistansya ng Palasyo hinggil sa mga naglalabasang pagkuwestiyon ng iba’t ibang sektor sa kredibilidad ng idinaos na eleksyon sa ilalim ng liderato ni Comelec chairman Sixto Brillantes.

Inihayag rin ng ilang kritiko na noong panahon daw ni dating chairman Jose Melo, mas kokonti ang mga kontrobersya kumpara ngayon sa panahon ni Brillantes.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na si Brillantes na sagutin ang mga nasabing alegasyon dahil independent body ang Comelec.

Sinabi ni Valte na hihintayin din nilang matapos ang manual audit at inaasahan nilang ilalabas ito sa publiko.

Karapatan daw na malaman ng taongbayan ang resulta ng naturang pagsusuri sa ngalan ng transparency.

“Well, ano naman po ‘yan, that will be up to Chairman Brillantes to answer all these allegations if he wishes to do so. Of course, independent naman po ‘yang COMELEC at ‘yang Chairman diyan. It will be up to them if they want to address these issues. But us, as far as the variances and the discrepancies that are found in the partial random manual audit, then again, we reiterate that when the results are final and that the audit is completely finished, then in the interest of transparency, the public should be informed,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.