Palasyo, ‘Di Sasantuhin ang mga Kaalyadong May Private Armies

TINIYAK NG Palasyo na walang sasantuhin sa kampanya ng pamahalaan laban sa private armed groups at loose firearms sa bansa.

Sa harap ito ng napabalitang ilang kaalyado ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay nagmamantine ng private armies.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na walang makalulusot sa maigting na kampanya ng gobyerno para matiyak ang payapang halalan sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni Lacierda na kahit tapos na ang eleksyon ay patuloy sa pagtugis sa private armies na hindi mabubuwag bago ang eleksyon.

Kasalukuyang nasa 52 private armed groups ang target ng gobyerno na may 913 na miyembro at hawak ang halos 3,000 baril habang nasa 73 ang gun-for-hire groups.

“Loose firearms certainly are frowned upon. We are going to strengthen the security in that area. We are going to go after all those individuals who are holding loose firearms, unlicensed firearms,” ani Lacierda.

Pinangunahan naman ni Pangulong Aquino ang 2013 Philippine Development Forum sa Davao City.

Ito ay dinaluhan ng gabinete at mga opisyal ng World Bank (WB) na layuning pag-aralan kung paano pa mapaganda ang kalagayan ng bansa lalo sa sektor ng ekonomiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.