Palasyo: ‘Di lahat maaaring maging ‘state witness’ sa PDAF scam

IGINIIT NG Palasyo na hindi naman maaaring gawing state witness ang lahat ng mga gustomg tumestigo laban sa mga personalidad na dawit sa PDAF scam kabilang na ang ilang mambabatas. Ito’y sa gitna ng report na nagpapadala na rin ng “feelers” ang aktor na si Mat Ranillo III para maging witness sa P10 bilyong scam.

Sinabi ni Deputy Pre¬sidential spokesperson Abigail Valte na may pro¬sesong sinusunod para maging state witness ang isang gustong tumestigo.

Inihayag ni Valte na mis¬mong si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang nanawagan ilang buwan na ang nakakaraan na dapat lumutang at magbigay ng pahayag ang mga may nalalaman sa nasabing scam kung saan inilagay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Pero ipinunto ni Valte na dadaan sa evaluation o pagsusuri ng Department of Justice ang testimonyang ipagkakaloob lalo pa’t hindi maaaring maging state witness ang lahat.

Dahil sa dumaraming bilang ng mga gustong maging testigo, tiniyak naman ng Palasyo na nagkaroon na ng “improvement” sa witness protection program” ng pamahalaan.

Maaalala na na¬banggit ang pangalan ng aktor na si Ranillo sa pinakahuling pagdinig ng Senate Bue Ribbon Committee kung saan sinasabing naging “middle man” din ito sa pagitan ng isang senador at ni Napoles.

Nakatakda namang paharapin ng komite ang dating aktor sa susunod na hearing.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.