Palasyo, ‘di kailangang paniwalaan – depensa

DAHIL HINDI umano maaaring pigilan ang Pangulo sa kanyang pananalita, nakikiusap na lamang ang depensa sa mga mamamayan na huwag basta nagpapaniwala sa mga naririnig mula sa Palasyo.

Ito bunsod ng pagkontra ng depensa sa mga pasa-ring ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa hindi pagharap ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na posibleng nababahala ang depensa dahil inaasahang ‘damaging’ ang testimonya ng punong ma-histrado.

Ayon kay defense spokesperson Atty. Karen Jimeno, ang hindi pagharap ni Corona ay hindi nangangahulugang may itinatago ito.

Maraming konsiderasyon ang pinagbatayan tulad na lamang sa maaabalang trabaho ni Corona, gayundin sa katiyakang kukuyugin ito ng mga senator-judges at hindi sila maaaring mag-object, ani Jimeno. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.