Palasyo, deadma sa overpricing ng Yolanda bunkhouses

TIKOM ANG Palasyo sa naireport na overpriced at pawang mga substandard ang mga ginamit na materyales sa pagtatayo ng bunkhouses sa i-lang lugar na hinagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Sa halip, ipauubaya na lamang kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang pagsagot sa nasabing isyu.

Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, “No comment” muna ang Malacañang sa katanungan kung sisiyasatin nito ang ilang taga-DPWH kaugnay ng umano’y nabulgar na anomalya.

Kasabay nito, tahimik din ang Palasyo sa balitang nakikialam ang isang pulitikong kaalyado ng administrasyon sa pagpili ng kontratista na siyang gagawa ng mga pansamantalang tirahan ng libu-libong biktima ng kalamidad sa Eastern Samar.

Sinasabing inisyal na 200 bunkhouse ang itinatayo sa mga lalawigan ng Leyte at Eastern Samar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.