Palasyo, Deadma sa Batikos ng Int’I Media

TANGGAP NG Malacañang ang naglalabasang batikos ng international media kaugnay ng mabagal na pagresponde ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Maaalala na ilang na araw na ngayon mula nang mangyari ang pananalasa ng nasabing super typhoon pero hindi pa naipaparating ang relief goods sa mga nasa-lanta, hindi pa rin nakukuha ang lahat ng mga bangkay ng mga nasawi at hindi pa ganap na naibabalik ang kaayusan sa naturang lugar.

Ayon kay Cabinet Sec. Jose Rene Almendras, naririnig nila ang lahat ng mga negatibong komento at puna pero wala na silang balak itong patulan pa.

Sinabi ni Almendras na hindi raw sila perpekto at sinisikap nilang maiparating ang tulong sa mga nanga-ngailangan sa pinakabilis na paraan.

Ngayon lang sila nakakita ng ganito kalaking pinsala dahil kung noong bagyong Pablo ay libong katao ang naapektuhan pero sa bagyong Yolanda, umaabot sa daang-daang libong katao ang kailangang asikasuhin, dagdag pa ni Almendras.

“The police that are there, intended to provide security, are actually helping repack because they see na kailangang gumalaw, ano. So its—marami pong… I’m happy that there’s a comment like that na dito sa Pilipinas hindi tayo position-description sensitive or eto lang trabaho ko. There have been some difficult comments also from the international press, pero okay lang ‘yon, ganyan ang buhay e. All I can say is we don’t claim to be perfect. We are really trying our very best and so far the things we are doing seem to be effective. It’s just that we have not seen anything at the magnitude that we are seeing now. We were talking of a few thousand families in ‘Pablo’. This is hundreds of thousands already, so the magnitude po is big, ano,” pahayag ni Almendras.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.