Palasyo: DAP, may legal basis

IGINIIT NG Palasyo na may legal basis ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda,  malinaw sa Article 6 Section 25 ng 1987 Constitution na maaaring kunin ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga hindi nagamit na pondo ng mga ahensya.

Partikular naman na tinukoy ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang paragraph 5 ng batas na nagsasabing:

“No law shall be passed authorizing any transfer of appropriations; however, the President, the President of the Senate, the Speaker of the House of Representatives, the Chief Justice of the Supreme Court, and the heads of Constitutional Commissions may, by law, be authorized to augment any item in the general appropriations law for their respective offices from savings in other items of their respective appropriations.”

Sinabi pa nito ang Sections 39 at 49 ng Chapter V, Book VI ng 1987 Administrative Code bilang mga legal na basehan.

Nilinaw rin ni Lacierda na sa 2011 DAP na nagkakahalaga ng P72 bilyon, 90% ang napunta sa mga proyekto ng executive branch habang ang natira ay inilaan sa pondo ng mga mambabatas.

Dagdag naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, binuo ang DAP para maging stimulus sa pagpapalago ng ekonomiya.

Tiwala rin itong kakatigan ng Supreme Court (SC) ang legalidad ng DAP.

Una nang kinuwestyon ni dating National Treasurer Leonor Briones ang legal basis sa pagbuo ng DAP ng DBM na siyang namahagi ng milyon-milyong pondo sa mga senador.

Samantala, ayon sa DBM, hindi ito dagdag na pork barrel ng mga mambabatas o suhol sa pagpapasibak kay Corona.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.