Palasyo, bukas sa paglilipat ng pasukan sa Setyembre

SINABI NG isang opisyal ng Palsyo na bukas sila sa paglilipat ng simula ng klase sa Setyembre sa halip na sa Hunyo.

Sa panayam sa dzRB, sinabi ni Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na ang proposal ay nakaangkla sa Asean (Association of Southeast Asian Nations) Integration sa 2015.

“Bukas ang pamahalaan sa pag-aaral ng panukalang ilipat ang panahon ng pagbubukas ng klase para sa mga kolehiyo at unibersidad, mula Hunyo patungong Setyembre, bilang paghahanda sa pag-iisa ng ating mga kasaping bansa sa Asean sa ilalim ng konsepto ng Asean integration simula sa taong 2015,” he said.

Ipinaliwag ni Coloma na layunin ng programang Asean Integration ang pagkakaroon ng ‘Asean mobility’, kung saan papayagan ang mga mamamayan ng mga kasaping bansa na malayang makapaglakbay at magpatuloy ng pag-aaral o ibang propesyon sa karatig bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Coloma na iniaasa nila sa Kongreso ang pangunguna sa pag-aaral at pagsasagawa ng batas na magbabago sa school calendar.

Ang Pilipinas ang nanatiling bansa sa Asean na mayroong Hunyo hanggang Marso na academic calendar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.