Palasyo: Bahala na ang Senado kay Napoles

IPINAUBAYA NA ng Palasyo sa Senado ang mga hakbang na dapat gawin ngayong nagpaabot ng impormasyon si Atty. Lorna Kapunan na walang interes na dumalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa November 7 ang sinasabing utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, bilang bukod at kapantay na sangay ng gobyerno, hindi nila panghihimasukan ang plano ng Senado para sa kontrobersyal na negosyante.

Sinabi ni Coloma na umaasa silang lulutang ang katotohanan kung dadalo ni Napoles sa pagdinig ng Senado.

Sa kabilang dako, ipinaalam na ng Malañang kay Justice Secretary Leila de Lima kung dapat o hindi dumalo sa hearing si Napoles dahil sa kanyang iniindang karamdaman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.