Palasyo: 60-30-10 Pattern, Pabayaan na Lang sa Comelec

BAHALA NA umano ang Commission on Elections (Comelec) kung paano sasagutin ang hamon ng United Nationalists Alliance (UNA) na ipaliwanag ang napabalitang ‘60-30-10’ pattern sa nakaraang midterm elections pabor sa Team PNoy.

Ilang IT experts ang nagbulgar sa naturang obserbasyon pero wala namang sinasabing pandaraya o manipulasyon sa eleksyon.

Una nang ibinasura ni Comelec chairman Sixto Brillantes ang alegasyon sa pagsasabing ‘coincidence’ o nagkataon lamang ang pattern at iginiit na malinis ang nakaraang halalan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, Comelec ang pinakamabuting tutugon sa nabanggit na mga paratang.

Sinabi ni Valte na hindi nila maaaring panghimasukan o pakialaman ang trabaho ng komisyon na isa aniyang independent constitutional body.

“Siguro po, we are not in the position to answer that particular question… and COMELEC, again, be in the best place to answer that,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.