Palaboy, natagpuang patay sa patrol car ng barangay

NATAGPUANG PATAY SA loob ng barangay mobile patrol car ang isang 30-anyos na palaboy dahil umano sa karamdaman nito at nalipasan ng gutom kahapon ng tanghali sa Navotas City.

Ang biktima ay na-kilalang si Globert Silva y Nepomuceno, ng Phase 2, Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City.

Ayon kay Elmer Santos, barangay tanod, matagal nang palabuy-laboy ang biktima sa kanilang lugar at ginagawa na nitong higaan ang kanilang patrol car na nakatambay sa outpost.

Nabatid na itinakwil ng kanyang pamilya ang biktima dahil sa sakit nitong Tuberculosis (TB).

Ang labi ng biktima ay dinala sa Nate Funeral Homes, Malabon City.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.