Palaboy, Namatay sa Gutom

HINIHINALANG NAMATAY sa gutom ang isang palaboy sa kalsada sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat, alas-6:50 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng B. Araneta St., ng lungsod.

Nabatid na ilang naglalakad sa nasabing lugar ang nakapansin na hindi na gumagalaw ang biktimang madalas makitang namamalimos na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Wala namang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima na dinala na sa Nate Funeral Homes.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.