Palaboy, nag-amok sa sobrang gutom

SOBRANG GUTOM ang puno’t dulo umano ang pag-aamok ng isang lalaki makaraang malubhang nakasugat sa dalawang katao nang hindi mabigyan ng pagkain na kanyang hinihingi sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Isang alyas “Jingoy”, nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga elemento ng Caloocan City Police nang saksakin nito sina Lea Canlas, 28; at Ramon Cabuenas,18, mga residente ng Brgy. 28, Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng ma-

daling-araw nang maganap ang nasabing insidente ng pananaksak sa Brgy. 28 ng nasabing lugar.

Nabatid na bago umano maganap ang pananaksak, gutom na gutom na lumapit ang suspek sa ama ni Lea para humingi ng makakain subalit hindi binigyan sa pag-aakalang may sayad ang una.

Dahil sa sobrang gutom ng suspek, biglang sumugod ito sa bahay ng mag-amang Canlas na armado ng patalim at gustong saksakin ang tatay ni Lea subalit pinigilan siya ng biktimang babae at ni Cabuenas dahilan upang sila ang pagbalingang saksakin na pawang tinamaan sa braso at katawan.

Matapos nito ay tatakas sana ang suspek subalit mabilis na namang rumesponde ang ilang barangay tanod sa nasabing lugar para arestuhin ang suspek. Subalit nabigo ang mga tanod dahil armado ng patalim ang suspek kaya malayang nakatakas.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.