PALABAN DIN: Utol ni James na si Lauren Reid, nag-topless!

Lauren Reid | Grabbed from @laurenreidabook IG account

LAUREN REID is slowly making a name in the Philippines as a model. Minsan na siyang nagtangkang sumali sa Miss Earth pageant many years ago (hindi pa sikat si James noon), pero kinailangan nitong bumalik sa Australia.

Salamat sa popularidad na tinatamasa ng nakatatandang kapatid na other half ng very successful JaDine tandem, muling bumalik si Lauren sa Pilipinas para subukan ang pagmomodelo. Napaka-suwerte ng dalagang ito dahil ang utol na mismo ang nagbigay ng daan para mabigyan siya ng modeling projects. Ngayon nga ay cover girl na ito ng isang panlalaking magazine.

Kung si James ay nakakapanghina kapag tumititig at nagpapakita ng abs sa kanyang pictorials, hindi naman magpapahuli si Lauren sa hubaran. Effortless sa pagiging sexy ang cover ng magazine dahil naka-topless ito at tanging buhok lang niya ang nagtatakip sa kanyang hinaharap.

 

?❤✌[email protected]

A post shared by Lauren Reid (@laurenreidabook) on

Sa ilang posts din niya ay walang kiyeme ito sa pagpo-pose nang nakabikini including the controversial ‘sexy back’ photo nila ni Nadine Lustre na pinag-usapan ng netizens dahil ‘shocked’ na sila sa lagay na ‘yun.

Sa ngayon ay pagmomodelo at pagiging social media influencer ang kinabibisihan ng dalaga. Huwag na kayong magtaka kung soon ay lalabas na rin ito sa pelikula o sa soap opera dahil karamihan sa JaDine fans ay aliw din sa kanya.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.