Focus: Pakners in crime…. Huli kayo, mga kong!

Ariba, Ariba, Parazzi Chikadoras! Isang mainit at kumukulong tsika para sa mga atat na tsismoso’t tsismosa na gustong matawa sa kabila ng mga problema!

Sa latest tip ng ating Chikadorang Makulit, sa kasagsagan daw ng pagdinig at pagpasa sa kontrobersiyal na resolusyon para sa Con-ass, biglang nag-panic ang mga Dear Legislators of the Philippine Islands. May nagkalat kasi ng tsikang nawawala ang dalawang Kongresista. Ayon sa haka-haka, dinukot daw ito ng mga bandidong Abu Langgam at dinala sa liblib at malayong lugar.

Pero na-surprise ang mga guwardiya nang matagpuan ang dalawang kong sa kasuluk-sulukan ng plenaryo. May sarili raw itong mga mundo at abala sa sari-sariling trip na sila lang ang may gusto.

Itong isa, tila na-lost na sa Never Never LandLess kasama si Peter Pan. Buti na lang walang flowing laway habang siya’y himbing sa pagkakasandal. Ito namang isang kong, akala mo, eh, pader na ‘di magigiba. Dahil kahit non-smoking area ang kanyang p’westo, sumimpleng magyosi na nagpapakitang isa siyang epitome (pinagpipitaganang halimbawa) ng kongresistang bumabali sa mga batas na dapat, eh, sila ang nagpapatupad.

Hmmm…dear pakners in crime na legislators (oh, walang pangalan ‘yan, ha!), ‘yan ba ang gusto n’yong tularan ng Philippine Neyshun?!

by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires

loading...

One thought on “Focus: Pakners in crime…. Huli kayo, mga kong!

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol.II Issue #78

Leave a Reply

Your email address will not be published.