Pakialamerong Biyenan, Kinatay ng Senglot na Manugang

PINAGTATAGA HANGGANG sa mapatay ng umano’y senglot na manugang ang kanyang biyenan matapos umawat sa mainitang pagtatalo nilang mag-asawa nu’ng Linggo sa Lolipop Compound, Brgy. Perez, Meycauayan City.

Sa ulat na pinadala sa Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City, kinilala ni Supt. Sidney Villaflor, Meycauayan police chief, ang biktima na si Bienvenido Escandor,78 anyos, biyenan ng suspek na nakilala namang si Jolly Layosa, 43, kapwa nakatira sa naturang lugar.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, alas-8:30 ng gabi nang maabutan ng biktima na nagtatalo ang anak nito at kanyang manugang. Sinubukang pakalmahain ng biktima ang away ng mag-asawa ng ikinasama ng suspek.

Dahil sa  galit kinuha ng suspek ang kayang jungle knife at walang habas na sinaksak ang biktima sa dibdib na siyang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Matapos na matanggap ang report, agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Meycauayan Police katuwang ang mga barangay tanod at nadakip ang suspek.

Dinala naman ang labi ng biktima sa Noah Funeral Parlor para sa awtopsiya.

Nahaharap naman sa kasong Homicide ang suspek na kasaluku-yang nakadetine sa Meycauayan City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.