Pakialamero, Pinagsasaksak

KRITIKAL ANG isang lalaki nang pagsasaksakin ng pinakialaman habang nakikipag-away sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Ton-

do Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Gil Castellano, nasa hustong gulang ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Sitio 6, Catmon nang mapansin na may nag-aaway na pinakialaman ng una.

Isa sa mga nag-aaway ang nabuwisit sa biktima at pinagbalingang pagsasaksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.