Pahinante, Todas sa Yelo

PATAY ANG isang lalaki matapos madaganan ng bloke ng yelo sa Ramirez St., Brgy. Nova Proper sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ildefonso Petueno, 46-anyos, at pahinante ng truck ng nagde-deliver ng yelo.

Ayon sa salaysay ng kasamahan ni Petueno, ibinababa nila ang mga yelo malapit sa palengke nang aksidenteng madaganan ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Crime Investigation and Detection Unit (CIDU) at QC Police District station 4 sa nagyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.