Pahinante, Tinira sa Puwet, Kritikal

PAGHIHIGANTI ANG tinitingnang anggulo ng mga pulis matapos barilin sa puwet ang pahinante ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa puwet si Antonio Paragua, 38, ng Mabolo Rd., Potrero ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11 ng umaga, nagsasalansan ng mga bote ng softdrinks ang biktima sa ibabaw ng delivery truck sa Cobalt St., Goldendale, Potrero ng lungsod nang dumating ang suspek at isa ang tumawag ng Tonet.

Sumagot ng bakit ang biktima na naging dahilan upang makumpirma ng mga suspek na ang una ang kanilang hinahanap at walang salitang bumunot ng baril ang isa bago pinutukan ang una.

Kahit may tama ay nagawang makatakbo ang biktima habang tumakas na ang mga suspek sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka habang nadala sa MCU si Paragua.

Lumalabas na madalas masangkot sa gulo ang biktima kung saan ang pinakahuli ay nasangkot sa saksakan sa kanilang lugar na sinasabing niresbakan ng mga nakaaway.       (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.