Pagwo-walkout ng Yolanda survivors, itinanggi ng DSWD

ITINANGGI NI Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Dinky Soliman na nag-walkout umano ang mga survivor ng supertyphoon Yolanda sa isinagawang meeting kamakailan.

Ayon kay Soliman, mapayapang natapos ang dayalogo at maayos na umalis ang grupong “People Surge Alliance of Yolanda Survivors”.

“Nagpasalamat pa nga ho si Sister [Eslopor] na hinarap ko sila at ako rin ay nagpasalamat na naging maayos ang dayalogo.”

Sinabi ni Soliman na inihatid pa niya ang grupo palabas na sinalubong naman ng mga taong nag-aabang sa kanila bago nagmartsa.

Inihayag ng kalihim na napag-usapan sa kanilang pagtitipon ang tungkol sa hiling ng mga ‘Yolanda’ survivor na magkaroon ng tuluy-tuloy na pagbibigay ng relief sa mga ito at ma-monitor ang pagbibigay ng relief para masigurong lahat ay mabibigyan.

Ito ay sa harap ng paggiit ng grupo na may mga lugar na hindi pa lubusang natutulungan o minsan lang naabutan ng tulong.

Tiniyak din ni Soliman na ito ay magagawan ng paraan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga non-government organizations (NGO).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.