Pagtupad sa tungkulin, dahilan sa pagpatay sa 1 pulis

PAGTUPAD SA TUNGKULIN ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga pulis sa pagpatay sa kanilang kabaro sa Caloocan City.

Ayon kay Senior Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police, lumalabas na maraming naipakulong na mga drug pusher ang biktimang si SPO1 Ernie Escalaw, 45, noong nakatalaga ito sa Northern Police District Anti-Illegal Drugs.

Nang mailipat naman sa NPD Special Operation Unit ay mga notorius na mga holdaper naman ang nakasagupa ni Escalaw na naging dahilan upang magalit at patayin ang biktima ng mga kagrupo na nasagasaan ni Escalaw.

Si Escalaw ay pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay nagpapagawa ng litrato sa Yes Photo Shop sa Langaray ng lungsod, alas-5:45 ng hapon noong Hunyo 20.

Bumuo naman ng Task Force Escalaw si Chief Supt., Antonio Decano, District Director ng NPD upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.