Pagtugis Sa Mga kriminal Sa Mindanao, Tuloy – AFP

TULOY PA rin ang pagtugis ng militar laban sa mga kriminal partikular ang grupo na responsable sa pagpatay sa 19 na mga sundalo sa Al-Barka, Basilan noong nakaraang October 2011.

Ito ang binigyang-diin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng naganap na lagdaan ng framework agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“No one is above the law at ang nagkasala a-niya sa batas ay dapat papanagutin,” ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos.

Nabatid na grupo ni Commander Dan Laksaw Asnawi ang responsable sa pamamaslang sa 19 na sundalong kasapi ng Special Forces.

Si Asnawi ang deputy commander ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces, 114th Base Command na nakabase sa lalawigan ng Basilan.

Ilan din sa mga kinasangkutang krimen ng ilang miyembro ng lost command group ng MILF kasama ang Abu Sayyaf ay ang pagpugot sa ulo ng may 10 miyembro ng Philippine Marines sa Al-Barka, Basilan noong Hulyo 2007. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.