Pagtrato sa mga Pinoy sa Sabah, nakakaalarma

AMINADO ANG gobyerno ng Pilipinas na nakaaalarma na ang mga ulat hinggil sa umano’y pang-aabuso ng Malaysian security forces sa mga kababayang naka-base sa isla ng Sabah.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na ito ang kadahilanan kung bakit hiniling na nila sa Malaysia na mabigyan ng access ang mga Filipino authorities para matingnan ang sitwasyon sa Sabah.

Una rito, tinatayang nasa 100 civil society organizations mula sa Malaysia at Pilipinas maging sa iba pang bansa sa Asya ang nanawagan ng agarang implementasyon ng humanitarian ceasefire upang mailigtas sa kapahamakan ang mga kababaihan at kabataan sa mga lugar na nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng Malaysian forces at Royal Armies ng Sultanate of Sulu sa Sabah, Malaysia.

Base sa joint statement ng non-government organizations (NGOs), hinimok nito ang Malaysian government na magtalaga ng ligtas na lugar para sa humanitarian organizations at agencies na gagamot sa mga sugatan sa engkuwentro.

Samantala, nangangamba rin umano ang grupo sa kaligtasan ng mga residente sa Lahad Datu, Semporna at katabing lugar kung saan hindi normal ang pamumuhay dahil sa tensyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.