Pagtrato Kay Napoles, OA Na

PINALAGAN NG mga netizen ang naging paglipat ng itinuturong utak sa P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles mula sa Makati City Jail patungong Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Sinabi ni Peachy Rallonza-Bretaña, coordinator ng “Million People March” na nagiging “over acting” na ang pagtrato ng pamahalaan kay Napoles.

“Talagang over acting to the max,” ani Bretaña.

Kung seguridad aniya ang pag-uusapan, maaari namang manatili si Napoles sa Makati City Jail o sa National Bureau of Investigation (NBI) at hindi na ilipat ng pasilidad para maprotektahan laban sa anumang banta sa buhay nito.

Giit ni Bretaña, dapat maging patas ang pagtrato ng pamahalaan lalo na sa mga whistleblower.

“Ganu’n din ba kahigpit ang security ng mga whistleblowers na unang nagpunta at pinoprotektahan ng gobyerno?… Walang pantay na pagtarato sa lahat.”

“Although nabasa ko na rin ang sinabi ni (Sec) Mar Roxas na extraordinary circumstances daw, kung ganu’n, ‘di ba dapat extraordinary circumstances ‘yung mga whistle blower.”

Samantala, kaduda-duda na aniya ang espesyal na trato sa itinuturing na reyna ng pork barrel scam  na dapat sana’y mas ginagawa sa mga nagbunyag ng naturang anomalya.

(PARAZZI REPORTORIAL  TEAM)

loading...

One thought on “Pagtrato Kay Napoles, OA Na

  1. TSK TSK TSK MGA TAO TALAGA SALA SA LAMIG SA LA SA INIT. LAHAT ONE-TRACK MINDED AT DI NAG-IISIP. DI BA NILA NAIISIP NA YUNG MGA DATING NAKINABANG KAY NAPOLES AY NAGING KAAWAY NYA AT NAGING THREAT SI NAPOLES SA  KANILA LAHAT. AND THESE PEOPLE WILL KILL JUST TO KEEP THEIR NAMES UNBLEMISHED. INFLUENCE OF THESE PEOPLE ARE EVERYWHERE, NBI, POLICE, ETC. GETS NYU?

Leave a Reply

Your email address will not be published.