Pagtestigo ni Corona, ikinatuwa ni Enrile Hirit sa prosekusyon: ‘wag munang magdiwang, ‘di pa tapos ang laban

IKINATUWA NI Senate President Juan Ponce Enrile ang naging pahayag ni Chief Justice Renato Corona sa media na nakahanda itong humarap nang personal sa impeachment trial para idepensa ang sarili laban sa tatlong natitirang articles of impeachment ng prosekusyon.

“I am glad that if he did say that in the interview, that’s a welcome development,” ani  Enrile.

Ayon sa pangulo ng Senado, mas mainam na si Corona mismo ang magpaliwanag ng mga akusasyon laban sa kanya lalo na sa mga kinukuwestyon na bank records.

“That’s good and I think, that’s a very sober, prudent move. All along I have faith that he would not allow his lawyers to make statements as a client in the course of the trial that in due time his bank accounts will be revealed unless, they will fulfill that commitment,” saad pa ni Enrile.

Hindi maituturing na ebidensiya ang lahat ng mga sinabi ni Corona sa labas ng korte kaya’t mas mainam na tumestigo ang punong mahistrado, dagdag pa ng senador.

“’Yung mga sinasabi ng parties sa kaso sa labas, hindi ebidensiya ‘yun. Maski sabihin niya ng sampung beses, we will not take that as evidence until it is presented under oath to the court,” paliwanag pa ni Enrile.

Sa mga pahayag ng punong mahistrado sa media, diretsa-hang sinabi nito na nakahanda siyang humarap sa impeachment court ngunit nakadepende pa rin aniya sa payo ng kanyang mga abogado.

Kasabay nito ay nagpasa-ring si Enrile sa prosekusyon na hindi pa panahon para sila ay magdiwang lalo sa sinasabing malakas na ebidensiya kaya’t nagsasalita na sa media si Corona.

“When you present a case, if you are in the prosecution or the side of the plaintiff, you cannot be sure of the outcome of the case until everything is over. Nothing is over until it is over. So, that’s why, do not celebrate until the battle is over because you might get surprised in the end,” giit pa ni Enrile. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.