Pagte-text ng driver, ipagbabawal na

 

MULING INIHAIN sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagte-text habang nagmamaneho sa mga sasakyan.

Inihain ni Senate President Protempore Jinggoy Estrada ang Senate Bill 872 na hindi pumasa noong 14th Congress kasunod ng naganap na aksidente sa EDSA-Ortigas flyover, kung saan sumalpok ang isang bus sa railings na ikinasugat ng pitong katao.

Napaulat kasi na nagte-text ang driver ng bus habang nagmamaneho na sinasabing naging dahilan ng aksidente.

Layunin ng panukala na maiwasan na ang disgrasya dahil lamang sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Base sa nasabing panukala, pagmumultahin ng P3,000 ang mga mapatutunayang nagkasala sa first offense; P5,000 sa second offense habang multang hindi lalagpas P10,000 at pagkakakulong ng hindi lalagpas sa isang taon para sa third offense at sa mga susunod pang pagkakasala.

Samantala, nakabinbin din sa Senate committee on public order and illegal drugs and public services ang isa pang panukalang batas ni Estrada na magpapataw ng kaparusahan laban sa mga driver na nagmamaneho ng lasing o nakainom ng alak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.