Pagtatayo ng Dept. of OFWs, Aprub sa Palasyo

INAMIN NG Palasyo na bukas ito sa panukalang pagtatayo ng Department of Overseas Filipino Workers.

Ito ang inihayag ng Malacañang sa panukalang itayo ang nasabing ahensya upang matiyak na matututukan ng gobyerno ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa nila natatalakay kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nasabing panukala ngunit maaari naman itong pag-aralan.

Kung matatandaan, kabilang sa pangunahing senador na nagsulong sa nabanggit na panukala ay si Sen. Manny Villar.

Sinabi pa ni Valte na bagama’t walang ibinibigay na deadline ang Pangulong Aquino para sa Labor at Foreign Affairs Department upang matapos ang imbestigasyon sa isyu ng “sex-for-fly’ scheme,” tinitiyak nilang mananagot ang mga labor officials na mapapatunayang gumawa ng pambubugaw sa mga distressed OFWs.

Samantala, kabilang sa lugar kung saan may reklamo ng “sex-for-fly” ang Middle East at North Africa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.