Pagtatayo ng Base Militar sa Subic, Itinanggi ng DND

PINABULAANAN NI Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin na may plano ang gobyerno na magpatayo ng air at naval base sa Subic na ipagagamit sa mga Amerikano.

Sinabi ito ni Gazmin matapos lumabas ang ulat sa isang foreign media na magpapagawa ng isang malawak na air at naval base ang Pilipinas para sa Estados Unidos.

Nilinaw ng kalihim sa isang joint press conference kasama si Japan Defense Minister Itsunori Onodera na pahihintulutan lang nila ang isang bansa na magamit ang base militar at walang base militar na ipatatayo.

Binabalangkas pa lang aniya ang mga magiging alintuntunin sa pagbibigay ng access sa isang bansa at kailangan din na hindi lalabag sa mga probisyon ng visiting forces agreement at saligang batas ng bansa ang binubuong access agreement.

Samantala, ilan sa mga bansang posibleng saklawin ang access agreement ay ang Estados Unidos at ang bansang Japan na kinokonsidera ng bansa na strategic partner.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.