Pagtakbo ni Pimentel sa LP, Inasahan na ng UNA

MATAGAL NANG inasahan ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pagtakbo ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III bilang guest candidate ng Partido Liberal ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Atty. JV Bautista, tagapagsalita ng UNA na welcome development sa kanila ang opisyal na pahayag ni Pimentel na tatakbo ito sa ilalim ng Liberal Party (LP).

“The announcement of Senator Koko Pimentel that he will run as guest candidate of the Liberal Party has long been anticipated by UNA. That he finally made the announcement is a welcome development,” ani Bautista.

Maaalala na nagdesis-yon noon ang senador na kumalas sa UNA matapos igiit na hindi niya makakayang makasama sa isang sentorial slate ang nagbitiw na senador na si Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Malaki ang naging pakinabang ni Zubiri sa dayaan noong 2007 senatorial election, giit ni Pimentel.

Walang malaking epekto sa kanilang alyansa ang paglipat ni Pimentel at sa ngayon ay nakatutok na sila sa paghahanap ng kapalit nito sa senatorial slate, saad pa ni Bautista.

Ang UNA ay isang koalisyon sa pagitan ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Pwersa ng Masang Pilipino na

pinangungunahan nina Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile at Vice President Jejomar Binay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pagtakbo ni Pimentel sa LP, Inasahan na ng UNA

Leave a Reply

Your email address will not be published.