Pagtakbo ni Carlo Caparas, ikokonsulta kay Donna Villa – Cristy Fermin

GUSTO NA LANG naming isipin na ang dahilan ng pagiging pikon ngayon ni Luis Manzano sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Angel Locsin ay dahil masyado pa siyang emosyonal ngayon.

Sa biglang paghusga ay parang nagsusuplado siya, parang nagiging nega, pero kung uunawain natin ang posisyon ng aktor ay parang binabantayan lang niya nang maayos ang kanyang emosyon.

Mapanglinlang kasi ang emosyon, kapag nagpatalo ka rito ay napakarami mong pagsisisihan at mga salitang kailangang kainin sa bandang huli. Hindi ba’t ang pagiging padalos-dalos nga sa pagsasalita ang madalas na nagiging dahilan ng mga away sa mundo?

Maraming hindi nasiyahan sa hindi pagsagot nang diretso ni Luis sa mga tanong tungkol sa kanila ni Angel nu’ng presscon ng In My Life, isa na namang pelikula ni Governor Vilma Santos na ngayon pa lang ay pinaglalaanan na namin ng panahon para panoorin, sa pakiramdam ng mga kasamahan naming manunulat ay nag-ipit ng mga detalye si Luis.

Ang katwiran ng binatang aktor, kung paano raw nila inalagaan ni Angel ang kanilang relasyon mula nu’ng una pa lang ay ganu’ng pag-aalaga rin ang gusto niyang ibigay ngayon, kaya ayaw niyang tumodo sa pagbibigay ng mga detalye kung bakit sila nagkahiwalay ng dalaga.

Pero sa opinyon naman ng mga manunulat, pati na rin ng kolumnistang ito, pinasok nila ni Angel ang pampublikong buhay, mga pampublikong pigura silang naturingan, kaya anumang nagaganap tungkol sa kanilang buhay na propesyonal at personal ay pinagkakainteresan ng marami.

Kung mga ordinaryong estudyante ba silang nagmahalan sa loob ng bakuran ng unibersidad ay ganitong interes din ang makikita nila sa mga manunulat at sa publikong sumusubaybay sa kanilang buhay at career?

NAKAKITA NG KAKAMPI-tagapagtanggol ang tinanghal na National Artist sa larangan ng sining na biswal na si Direk Carlo J. Caparas sa Palasyo. Nagpalabas na ng pahayag ang Malacañang na oo nga’t nasa pagsusuri na ng Supreme Court ang reklamo ng ilang sektor tungkol sa mga napiling pambansang alagad ng sining ay sinabi ng Palasyo na ang pinal na magdedesisyon pa rin tungkol sa usapin ay ang Pangulong Gloria Arroyo.

Sa pagsasabi nu’n ay nakakahon na ang magiging resulta ng pagsusuri ng SC, paninindigan ng Palasyo ang pagkapili sa mga tinutuligsang personalidad, walang maaaring bumawi sa kanilang parangal.

Pero suwabe ang komento ni Direk Carlo nu’ng makarating sa kanya ang desisyon ng Supreme Court na ipagpaliban muna ang pagpaparangal sa kanila, “No one is above the law, kaya maluwag sa kalooban kong tatanggapin kung anuman ang hakbang na gawin at pagdesisyunan nila,” sabi ng magaling na nobelista at direktor.

Hindi rin siya nagsasarado ng posibilidad tungkol sa paglahok sa mundo ng pulitika sa susunod na halalan, kung ang emosyon daw niya ngayon ang kanyang pakikinggan bilang inaping alagad ng sining, natural lang na tumawid sa kanyang isip ang pagkandidato para magkaroon ng boses ang mga inaapi.

“Hindi lang naman ako ang nakararamdam ng pang-aapi, mas maraming pang iba, kaya bakit nga ang hindi kung ako ang magiging tulay ng mga kababayan nating inaapi para mapakinggan ang kanilang saloobin?

“Pero isang major decision ito na kailangan ko munang ikonsulta sa asawa ko, hindi puwedeng ako lang ang magdesisyon tungkol dito, napakahalaga ng boses ni Donna sa gagawin kong desisyon.

“Kailangang dalawa kaming may gusto sa gagawin ko, dahil kahit gusto ko at ayaw niya, mahirap kumilos kapag ganu’n,” pahayag pa ni Direk Carlo.

Kapag ganyan na nag-isyu na ng pahayag ang tagapagsalita ng Palasyo na nasa pangulo pa rin ang pinal na desisyon tungkol sa pamimili ng mga pararangalang National Artist ay maraming sigaw na naman ang masasayang.

Parang nagpakapagod lang sa pagmamartsa at pagsigaw ang ilang sektor na tumutuligsa sa mga napili pero sa bandang huli naman pala ay wala ring positibong resulta ang kanilang ipinaglalaban.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

9 thoughts on “Pagtakbo ni Carlo Caparas, ikokonsulta kay Donna Villa – Cristy Fermin

  1. Ikonsulta mo na lang kay Madame Auring, Carlo. Oo lang naman o hindi ang sagot eh. Pero ipaghanda mo na ring matalo ka. Mas malala pa ang pagboto sa iyo bilang senador kumpara sa pagboto kay Lito Lapid. Di kaya ng iyong utak ang paghahain ng mga batas. Di ka handa. At sa palagay ko, alam ng mamamayan yan.

  2. SINO BA ANG NAAAPI? KUNG KINUWESTYON ANG PAG BIGAY SA IYO NANG PARANGAL, HINDI PANGAAPI IYON. SIGE, PASOK SA PULITIKA. MAGHANDA KA NANG MARAMING PERANG IPATATALO MO. ILAGAY MO NA RIN SA TICKET MO SI BONG REVILLA. WHY NOT?

  3. Naku…me bago na namang gagatasan si Cristy FErmin. REady na naman at bukas palad ang Donna Villa at Carlo Caparas. Madadagdagan na naman ang kita ni Cristy. Hindi na si Willie lang ang mapi feature niya…me nadagdag na.

  4. Tangina mo Cristy! Isulat mo na lang si Willie at ipagtanggol mo. Alam mo ba na sa twing bini-built up mo sya, galit na galit ang tao sa inyong dalawa?

    Tiga himod ka ng pwet ni Papi. Pangit ang mukha mo , mukhang tumbong na may almoranas! Pwe!

  5. hoy googles ang bastos ng bunganga mo! d ko kilala at mas lalong d ako fan ni cristy pero she deserve some respect and understanding sa mga readers. ang bastos niyo! matuto kayong rumespeto ng kapwa niyo! lalo na at ginagawa lang nila ang trabaho nila!

    • hahahahahahahahah! wow friends may kakampi ang estapadorang baboy na cristy! anu kamu respect?! paki-ulit lng, respect. eh gago ka pla eh tanungin mo si cristing baboy na estapadora kung alam nya ang katagang yan! baka nga hindi ka fan ni cristy fermin baka “papa ka nya” kung “mama” ka man nya eh walang kang taste na lesbyana. anung paki-alam mo sa koment ko care mo huh! we give respect lang sang mga dapat respetuhin! nirespeto ba ni cristy lover girl mo ang karapatan ng anak ni nadia montenegro! so kung d mo yung alam manahimik ka huh mag komento ka jan ng gusto mo padala ka ng love letter kay cristing estapadorang baboy kung gusto mo. hahahahahahahaha!

  6. SUSMARYUSEP! ANU NAMAN ANG ISASAGOT NILA SA ISANG RELASYON NA PURO GIMIK! TUMIGIL KA CRISTYNG BABOY NA ESTAPADORA!

    OH NO GOD SAVE THE PHILIPPINES! TATAKBO SI CAPARAS?!!!

  7. kaya ayaw nila sagutin sa ngayon dahil baka GIMIK lang naman.

    wait natin baka after ng promo sa movie headline ang – lusi at angel nagkabalikan na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.