Pagtaas ng Prima ng OFWs, Ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN NG Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtataas ng halaga ng prima ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na miyembro ng National Health Insurance Program.

Ito ay nakapaloob sa PhilHealth Circular 07, serye ng 2012 kung saan inam-

yendahan ang unang  sirkular na nagtala ng bagong halaga ng kontribusyon ng iba’t ibang sektor para sa taong 2012 at 2013.

Ayon kay Dr. Eduardo P. Banzon, ang Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth, ang desisyong ipagpaliban ang pagpapatupad ng pagtataas ng taunang prima ng mga OFWs ay dahil sa kasalukuyang krisis na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo na nagreresulta sa pagpapauwi ng maraming OFWs sa bansa. Gayundin, ang resulta ng mga konsultasyon sa mga samahang sibil at organisasyon ng mga OFWs tulad ng KAMPI, KAKAMMPI, Filipino Migrant Workers, PASEI, KALAHI, CBCP-ECMI, Blas F. Ople Center ay sumang-ayon din sa nasabing pagpapaliban.

“Ang mga OFWs ay kinakailangan lamang magbayad ng P1,200.00 na prima para sa taong 2012. Ang bagong halaga ng prima na P2,400 kada taon ay magiging epektibo sa ika-1 ng Enero ng taong 2013,” wika ni Banzon.

Hinikayat din ni Banzon ang mga OFW-members na makipagkasundo sa PhilHealth para sa mas matagalang ugnayan. Ayon sa kanya, ang mga OFWs ay maaaring pumasok sa dalawang taong lock-in period kung saan ang kanilang taunang prima ay nagkakahalaga lamang ng P1,200.00 o  kabuuang ha-

laga na P2,400.00. “Kinakailangan lamang na lumagda sila sa aming policy contract upang ma-avail itong special rate,” sabi ni Banzon. Kung sakaling mag-expire ang kontrata, ang bagong halagang itinakda kada taon ang susundin.

Siniguro rin ni Banzon sa mga OFW-members na ang mga pagbabago sa premium ay kaakibat ng dagdag-benepisyo ng mga OFWs at ng kanilang mga legal na makikinabang dito sa bansa. Aniya,  prayoridad ang roll-out ng primary care benefits kung saan ang mga miyembro ay mabibigyan ng kalidad na serbisyong pangkalusugan mula sa mga accredited na pampubliko at pampribadong institusyong pangkalusugan sa buong kapuluan.

“Kasama sa primary care benefit ang mas maraming ospital at doktor na maaaring puntahan ng bawat miyembro. Sila ay maitatalaga sa ilalim ng pangangalaga ng isang ospital at doktor. Ang pagsasagawa nito ay pagagandahin pa sa pamamagitan ng isang pamamaraan kung saan ang pagbibigay ng bayad ng PhilHealth sa ospital at doktor ay nakabase sa klase ng kanilang panggagamot. May karag-dagang insentibo sa mga ospital at doktor na nakapagbigay ng dagdag na kalidad na serbisyo at dami ng napagsilbihan nito,” ani Banzon.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.