Pagtaas ng Presyo ng LPG, Dapat Ipaliwanag ng DOE

 

PINAGPAPALIWANAG NG Palasyo ang Department of Energy (DOE) hinggil sa panibagong pagtaas ng presyo sa mga liquefied petroleum gas (LPG) products.

Una rito, P6.00 ang ipinataw ng ilang LPG dealers sa kada kilo ng produkto o kabuuang P66.00 na dagdag sa presyo ng bawat 11 kilong tangke.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na bagama’t nakatali ang kamay ng pamahalaan sa presyuhan ng nasabing produkto dahil sa Oil Deregulation Law, kailangan umanong mapaliwanagan nang husto ang publiko kaugnay sa totoong paggalaw ng bentahan sa world market.

Noong nakaraang linggo, una nang nagpaalala ang nasabing ahensiya na mararamdaman na sa buwan ng Setyembre ang bagong price adjustment dahil umano sa pagtaas ng presyo ng mga ito sa pandaigdigang merkado.

Lumalabas sa naunang pahayag ni DOE Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada, tinukoy ng opisyal ang tensyon sa mga bansa sa Middle East na isa sa mga dahilan ng price adjustment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.