Pagtaas ng Presyo ng Bigas at Sindikato sa NFA Rice, Tinututukan ng DA

MULING IGINIIT ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na may grupo sa likod ng pagtaas ng presyo ng commercial rice at hindi dahil aniya sa kakulangan ng bigas dahil tapos na ang lean months.

Sinabi ni Alcala na hindi aniya basta-basta ang mga grupong ito na humihirit para maitaas pa ang presyo ng bigas lalo’t panahon na ng anihan.

Kasalukuyang tinututukan na aniya ng DA ang mga grupong nasa likod ng pagtaas ng bigas.

Dahil dito, nana-nawagan si Alcala sa taumbayan na huwag tangkilikin ang mga negosyanteng ito.

Wala aniyang karapatan ang mga nagbebenta ng commercial rice na maningil ng mataas na halaga dahil harvest period na.

Sa susunod na linggo inaasahang magkakaroon ng epekto ang anihan ngayon.

Nililinaw rin ni Alcala na “hanggang NFA rice lang ang puwedeng intervention ng pamahalaan sapagkat ang paggalaw ng preyo ng commercial rice ay dinidiktahan ng demand at supply ng consumer.”

Sa pinakamababang presyo na P27 kada kilo, hindi naman aniya pangit na bigas ang mula sa NFA kaya nararapat naman itong tangkilikin.

Tututukan din ng DA ang report ng sindikato sa likod ng NFA rice na isinusuplay nito.

Kasunod ito ng report na may 90-10 na kalakaran sa NFA rice. 90% ng suplay ay inire-repack o inihahalo sa commercial rice habang ang nalalabi ang siyang iniiwan para sa mga istante ng NFA rice.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng commercial rice, pinabulaanan ni Alcala ang ulat ng importasyon ng bansa.

Matagal na aniyang dumating ang importasyon mula Vietnam bago pa ang lean months ng bansa.

Samantala, wala namang pangangailangan aniya para mag-import.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.