Pagsuway ng palasyo sa hudikatura, ginagaya ng iba – corona

MATAPOS ANG muling pagbanat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa Supreme Court (SC), Court of Appeals (CA) at maging sa lower courts, tumugon naman ang punong mahistrado para idipensa ang hukuman.

Sa isang talumpati sa harap ng Batangas RTC Judges Association, Batangas First-Level Court Judges Association, Inc., at Integrated Bar of the Philippines (IBP), inakusahan ni Chief Justice Renato Corona ng unti-unting pagwasak sa hudikatura ang mga opisyal na patuloy na kumakalaban sa itinatadhana ng batas.

Bagama’t hindi nito direktang pinangalanan ang chief executive, sinabi naman nito na ang pagsalungat ng isang opisyal sa utos ng korte ay nagiging batayan sa iba para gumawa rin ng kahalintulad na maling hakbang.

Isa na aniya rito ang kontrobersyal na kaso ng limang estudyanteng naka-bikini sa Cebu na pinayagan ng korte na sumali sa graduation rites ngunit hindi naman sinunod ng kanilang ekswelahan.

“Disrespect and defiance to Supreme Court order strengthened Cebu school not to follow TRO,” ani Corona.

Nakahanap naman ng kakampi ang punong mahistrado sa kanyang kababayang kongresista na si Batangas 2nd District Rep. Hermilando Mandanas sa pagsasabing biktima siya ng political harassment simula pa noong binuo ang impeachment case sa Kamara.

Nabatid na sinibak si Mandanas mula sa hanay ng mayorya dahil sa ilang ulit na pagsalungat sa mga hakbang ng mga kaalyado ng Pangulo, kasama na ang hindi nito paglagda sa aniya’y minadaling impeachment complaint.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.