Pagsuspinde sa Alkalde, Kinatigan ng 6 na Bokal ng SP

SINUSPINDE NG anim na buwan ng Sangguniang Panlalawigan ang kasalukuyang mayor ng Doña Remedios Trinidad, makaraang katigan ng anim board member ang inihaing reklamo ni Brgy. Chairman Roberto Sembrano ng Brgy. Camachin.

Base sa inisyal na rekord ng Sangguniang Panlalawigan, makalipas ang 15 araw simula nang aprubahan ang mosyon na nagpapataw ng 6 na buwan na suspension order ni DRT Mayor Ronaldo Flores, at matapos lagdaan ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy Alvarado, maaari na itong ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay board member Atty. Enrique  dela Cruz, tagapangulo ng katarungan, nag-ugat ang hatol ng lupon sa mga ebidensiyang ibinigay ni Sembrano, kasama na rito ang iba’t ibang larawan na magpapatunay sa akusasyon laban sa alkalde.

Nabatid sa isinumiteng dokumento ng reklamo na Republic Act 3019 Sec. 3, na conflict of interest, abuse of authority, at illegal mining and hauling na umano’y sinuportahan naman ni ABC President Piadoso, na nagpapatunay na may iregularidad sa panunungkulan ng alkalde.

Bukod pa rito ang mga negatibong findings ng Department of Environment and Natural Resources, Bulacan Environment and Natural Resorces, Community Environment and Natural Resorces.

Bago matapos ang session sa Benigno Aquino Hall, kahapon Enero 31 2012, pinal na pinagbotohan ang anim na buwang pagsuspinde kay Mayor Flores, kung saan tatlo ang hindi pumabor.

Samantala, sinabi ni Atty. Dela Cruz na bukas naman ang Sangguniang Panlalawigan sa anumang motion o apila na nais gawin ng kampo ni Mayor Flores na may kaugnayan sa kaso.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.