Pagsuporta sa Anti-RH bets, Epektibo pa rin

NANINIWALA SI Archbishop Emeritus Oscar Cruz na naging epektibo pa rin ang kanilang kampanya na suportahan ang mga kandidatong kumampi sa posisyon ng Simbahang Katolika sa Reproductive Health (RH) Law.

Ito ay sa kabila ng kawalan ng direktiba ng simbahan para sa mga senador na lumaban sa pagkakapasa ng RH Law.

Sinabi ni Cruz na lima sa anim na kasama sa “Team Buhay” ang posibleng manalo tulad nina JV Ejercito, Gringo Honasan, Koko Pimentel, Antonio Trillanes at Cynthia Villar.

Bagama’t napipintong mananalo rin, hindi naman nangunguna ang Team Patay o pro-RH senatorial bets na sina Sonny Angara, Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero at Loren Legarda.

Hindi rin aniya makaungos sina Risa Hontiveros, Jack Enrile at Teddy Casiño.

Samantala, aminado naman si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Cebu Archbishop Jose Palma na masa-limuot pa rin ang kahaharapin ng Simbahan at kailangan nila ng mga kaalyadong mambabatas na tututol sa iba pang panukala tulad ng diborsyo, euthanasia, aborsyon, total RH, homosexuality o gay marriages at sex education na nakabinbin sa Kongreso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.