Pagsuko ni Palparan, Handa Ring Tanggapin ni Pnoy

INAMIN NG Palasyo na bukas pa rin ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tanggapin kung susuko sa kanya ang isa pang high profile fugitive na si ret. Major Gen. Jovito Palparan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tulad ng naikuwento ng pangulo, una na nitong tinanggihan ang surrender feeler ni Palparan na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Sinabi pa ni Valte na kung muling magparamdam si Palparan, hindi na mag-aatubiling papayag na sa kanya susuko si Palparan na nahaharap sa kasong may kinalaman sa pagdukot sa i-lang aktibista.

“Case-to-case basis po ‘yan. Kung nakita po natin ‘yung sinabi ng Pangulo roon sa isang broadsheet ay nilabas nga ho niya… Kumbaga, naikuwento ho ng Pangulo kung ano ho ‘yung naging experience doon kay Palparan. At si-guro ho kung mauulit ‘yon ngayon ay mukhang hindi naman ho mag-aatubiling um-oo ang Pangulo,” ayon kay Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.