Pagsuko ni Napoles kay PNoy, Idinetalye ng Palasyo

IDINETALYE NG Palasyo ang naging takbo ng pagsuko ni Janet Lim-Napoles kay Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, alas-12:37 ng hapon kamakalawa nang tawagan niya si Atty. Lorna Kapunan para kumpirmahin ang napabalitang plano ni Napoles na susuko na.

Sinabi ni Lacierda na agad nitong binanggit sa pangulo pero hindi agad pinaniniwalaan baka isa lamang ito sa mga lead na mabibigo.

Bandang alas-4:06 ng hapon, tumawag si Kapunan para kumpirmahing susuko na ang kanyang kliyente kay Pangulong Aquino dahil sa mga banta sa buhay.

Sinabihan daw siya ni Napoles na sa Pasong Tamo sa Makati City sila magkikita.

Alas-6:50 ng gabi nang tumawag si Kapunan para dumiretso si Lacierda sa White Space para doon magkita.

Pagdating doon, sumakay si Kapunan at Jimmy Lacierda sa sasakyan ni Lacierda saka dumiretso ng Heritage Park sa Taguig City.

Pagdating umano ng alas-8:06 ng gabi habang nasa Heritage Park, may kinausap ang nasabing abogado sa telepono at bandang ala-9:08 nang dumating ang dalawang babae, isa rito si Napoles at kasamang babae na kasambahay.

Hindi raw pinosasan at agad sumakay sa sasakyan ni Lacierda.

Sinabi pa ni Lacierda na ala-9:37 nang dumating sila sa Malacañang kung saan kinapkapan si Janet bago pumasok at sinalubong ng Pangulong Noynoy Aquino.

Nagkausap daw ang Pangulo at si Napoles sa loob ng 10 minuto.

Wala raw ibang napag-usapan kundi ang kanyang seguridad mula sa mga banta at tiniyak ito ng Pa-ngulong Aquino.

Matapos ang naturang pag-uusap, inihatid ng Pa-ngulo sa Kampo Crame kung saan nauna ang kanyang convoy at sunod ang sasakyan nina Lacierda sakay sina Napoles at Kapunan, habang nakasunod naman sina Sec. Ricky Carandang at Sec. Rene Almendras.

Pagkapasok kay Napoles sa holding room ng PNP-NHQ, umalis na rin si PNoy.

Samantala, sa kabila ng sinasabing banta ay hindi pa naman daw alam ng Palasyo kung saan ito nagmula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.