Pagsisiyasat sa Trust Fund ni Imee Marcos, Tatapusin

SA LOOB ng dalawang linggo, mata-tapos na ang ginagawang pagsisiyasat sa trust fund ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa British Virgin Islands.

Ayon umano kay PCGG Chairman Andres Bautista, inatasan na niya ang team nina commissioners Maida Chan-Gonzaga at Vicente Gecos Jr. upang mangalap ng ebidensiya at isumite ang kanilang preliminary findings sa loob ng dalawang linggo.

Tututukan din ng PCGG ang sinasabing pagkakasangkot ng ilang ahensiya ng gobyerno kabilang na ang Anti-Money Laundering Council.

Maaalala na lumabas sa report ng International Consortium on Investigative Journalist na nagpapakitang nakinabang umano si Marcos sa Cynthia Trust na nabuo noong 2002.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.