Pagsisiyasat sa rice smuggling, bubuksan muli

SINABI NI Bureau of Customs (BOC) Commissioner John “Sunny” Sevilla na muli nilang bubuksan ang pagsisiyasat sa rice smuggling matapos lumutang na ilang Customs broker ang dawit dito.

May mga consignee na aniya silang tinitingnan at dito nila sisimulan ang pagsisiyasat.

Una nang inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na muling buksan ang nasabing imbestigasyon matapos ipatigil nang mabigo ang huli na matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng isang David Tan.

Maaalala na si Tan ang itinuturong nasa likod ng talamak na smuggling activity sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.