Pagsingil sa Utang na ‘Di Nababayaran

Dear  Atty. Acosta,

ANO PO ba ang magandang paraan ng paniningil ng utang na matagal nang hindi binabayaran? Pakiramdam ko po ay binabale-wala na ng mga taong umutang sa akin ang kanilang obligasyon. Ayoko na sanang padaanin ito sa barangay dahil nauwi lamang sa wala ang nakaraan naming pag-uusap doon at puro pangako lamang ang nangyari. Sana ay mabigyan ninyo ng pansin ang aking sulat. Maraming salamat.

Ren

 

Dear Ren,

BATID NAMIN ang iyong pagnanais na makuhang muli ang perang ipinahiram mo sa mga taong mayroong pagkakautang sa iyo. Sadyang nakalulungkot ang malagay sa sitwasyon na hindi mo mabawi ang perang pinaghirapan at pinag-ipunan dahil lamang sa kapabayaan ng iba. Maliban ditto, mahirap ang buhay sa kasalukuyan kung kaya’t mahalaga ang bawat sentimo na ating maitatabi upang mayroon tayong mahuhugot sa panahon ng pinansyal na pangangailangan.

Sa iyong sitwasyon, mayroong nakalaang lunas ang ating batas. Sa ganitong legal na suliranin, maaari kang magsampa ng action for collection of sum of money sa hukuman ng lugar kung saan ka nakatira. Kailangan mong mapatunayan na mayroong hiniram na halaga sa iyo ang mga taong iyong nabanggit, ang inyong naging kasunduan at ang mga probisyon nito, ang paniningil na ginawa mo at ang hindi pagbabayad ng mga ito kahit pa dumating na ang takdang panahon ng pagbabayad. Kung ang halaga ng pagkakautang sa iyo ng bawat isa sa humiram ng pera sa iyo ay hindi hihigit sa halagang isang daang libong piso, maaari kang maghain ng kasong small claims laban sa kanila. Ito ay maaaring ihain sa Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Trial Courts o Municipal Circuit Trial Courts na matatagpuan sa lugar kung saan ka naninirahan. (A.M. No. 08-8-7-SC)

Katulad ng naunang nabanggit, mahalaga na gumawa ka ng aksyon upang singilin ang mga taong mayroong utang sa iyo bago mo ihain ang alinman sa nasabing reklamo. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang personal sa kanila. Ngunit kung hindi sila tumalima sa iyong paniningil at patuloy nilang tinatalikuran ang kanilang obligasyon sa iyo, makabubuti na magpadala ka sa kanila ng sulat ng paniningil o demand letter. Mahalaga na isaad mo sa nasabing sulat ang kabuuang halaga ng kanilang pagkakautang sa iyo, kasama na ang interes kung ito ay inyong napagkasunduan. Ipahayag mo sa nasabing sulat na kung hindi sila tutupad sa inyong naging kasunduan, ang susunod na hakbang na iyong gagawin ay ang pagsasampa na ng kaso laban sa kanila. Nawa’y sa paraang ito ay magising ang kanilang diwa at gawin ang nararapat ukol sa kanilang pinansyal na responsibilidad sa iyo. Kung hindi man ay magagamit mo ang nasabing sulat bilang patunay ng iyong written demand laban sa kanila.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Related Post

loading...

25 thoughts on “Pagsingil sa Utang na ‘Di Nababayaran

  1. Gud evning po atty acosta.ask knlang po.kung paano.ko masingil ang taong may utang sa akin at ginarantoran ko pa s kasama.ko.5% a week po ang int at un ay alam nya.ang usapan ay 2weeks.lang (kinuha nya ng nov 9)subalit gang ngaun ay d pa nagbabayad.nagpadala na ng sumon ang brgy namin at katunayan kanina po ang 2nd meeting sna namin pero 1st n ngaun ndi xa nagpakita.gusto ko lang naman pong magharap kami.nangako xa na magbabayad nun nov 27 taz dec 4 o 5 pero ngaun po sabi nya sa dec 20 na.lang.daw.nahihitmrapan na po ako kc ako.po ang nagbbyad s kasama konng int nya.sana.po ay mabigyan nyo ako ng payo.thanks n godbless

    • Hello po maam tanong k sana kng pwedeng edemanda ang isang tao na umutang at ngyon yng ibinigay nya 15k pra mbwasan ang interest yng utang nya sa akin at nong kinausap k cya n yng huli n daw yng babayaran nya n capital ang babayaran nya,,pero may kasulatan po cya n pinermahan,,at nagkautang sa ibang tao kya naipon ang interest yng inutang nya sa akin,,ano po ang dpat kng gawin at paanu ko cya idemenda kace andito cya sa hongkong ngyon thanks,,

  2. Good Day,
    Ako po ay umutang, pero mga ilang buwan ito po ay nabayaran ko na..the after a Month nung hihiram po ulit sana ako namatay napo ung hiniraman ko po sana ulit…Then after 3weeks and libing nung tao, pumunta sa bahay ung anak ng dati ko inuutangan, at ang sabi mgbayad daw ako ng utang kasi d pa daw ako bayad sa listahan ng Mama nya…
    naiinis napo ako dahil pinagkakalat nya sa mga kapitbahay na d daw po ako ngbabayad ng utang…
    ano po ba ang legal action na dapat ko gawin?
    naninira napo kasi sya pati tao sa amin ay parang naniniwala na!
    sana po matulungan nyo ako at mabgyan ng nga bagay na dapat gawin…
    kasi po dati pa namn hindi tlga ako nglilista ng mga naibayad ko kasi alam ko sa sarili ko at ng Mama nya na good payor ako at suki nako dati pa ng Mama nya bago pa ito sumakabilang buhay…

  3. Atty. Acosta good eve po. Ano po ba nararapat kong gawin . Isa pong kakilala nmn nag alok na maginvest daw po kami pera sa kaniya at bgay daw po sya 5% na kita everyday sa bawat invest namin. Umabot po sa 330k inv at nakapagbigay naman po sya kita sa loob ng 27 days. Nag start po kami april 03 magbgay ng pera nagsimula po sa 15k at umabot ng 330k. Nakapag ngay n po sya kitang pera sa loob mg 27 fays mula april 03 hangga may 19. Hinde na po sys nagbgay. Mula May 20,2018 hangga kasalukuyan. Ano po ba mararapay kong gawin? Salamat po

  4. Good morning po, hingi lang po sana ako legal advise, may nangutang po kasi sakin ng 10k nung January 22, patay daw po kasi step father nya,binigay pa atm at tinubuan ko. Kaso kada sahod nya walang napasok sa atm nya dahilan nya delayed or cash daw binigay sahod nla, nakailang balik po ako sa atm machine kasama 2 years old baby ko at currently pregnant pa po ako 5 months na po ngayon. Hanggang sa napaamin ko sya na di naman pala namatay step father nya at awol na pala sya. Nalaman ko madami na din pala sya inutangan at bigla nawalang bula. Nagchachat pa dn ako sa kanya puro lang sya sabi na sa katapusan magbabayad, pagdating ng katapusan biglang nagdadahilan na kesyo tinulungan nya tito nyang may sakit. Nakakasawa na mga dahilan nya. Nakakagigil na. Ano po ba pwede kong gawin sa kanya? Di po namin alam kung saan sya nakatira ayaw niya sabihin. Sana po matulungan nyo ko. Thanks po

  5. dear atty.acosta,good day po,
    meron po kasing nangutang sakin na nakilala ko lang sa rest.po noon 2011 pa,nagulat na lang ako sa messenger ko merong taong nag message ckin nangamuzta at nagtanong saan ako ngaun at ppuntahan daw nya ako.cnabi ko naman kung saan lugar ako hanggang kinuha naman nya number ko at txt kami sa madaling salita nagkaroon kami ng communication sa txt message,ayun at nakikiusap cya sakin na tulongan ko daw cya kc need nya pera pambayad koriente nya kc mapuputolan na daw cya! dahil sa naging customer ko cya noon at naging kaibigan.naawa naman ako pinahiram ko cya nang magka sweldo na ako.after 2weeks binayaran nya naman ako.hanggang sa nakikiusap naman cya ulet na hanapan ko daw mapag sanlaan car nya need daw ntya 70k at kahit tubuan daw 10k sa loob ng isa buwan..dahil sa naawa naman ako sa kanya. kinausap ko kapitbahay ko na merong pera at napapayag ko naman at ang sabi lang ckin ng me ari ng pera cge basta ikaw na bahala dyan at sagot mo yan kaya binigay ckin ang halagang 70k at meron naman cya isasanla na car at willing naman cya gumawa ng kasunduan namin at binigay naman nya O.R C.R ng car nya at xerox copy ng drivers licence nya at addrs.ng tirahan nya..sa madaling salita kinuha nya ang pera sakin sa store at timing naman busy ako sa store ng time na yun binigay ko sa kanya 70k at binigay naman nya sakin mga papers kasunduan namin at ask ko ang car nya ng time na binigay ko ang pera sinabi nya sakin ihatid na lang daw nya mamya sa bahay ko ang car nya..napapayag naman nya ako at nagtiwala ako sa kanya na ihatid nya sa bahay.hanggang sa lumipas na mga araw walang dumating na car hanggang sa naging buwan na at laging follow-up ko na ang singil sa kanya lagi at nagulat na lang ako hinde na cya sumasagot sa txt number nya cell# kaya binalikan ko na lang messenger nya nagkaroon kami doon ng conversation sa messenger ulet at doon na ako naniningil sa kanya lage at lagi naman cya promis magbabayad cya hanggang lapses ulet lage nalang alibi promis bayad sa akin hanggang lumipas na taon at naging 15months na ngaun..at minsan na lang cya open messenger nya at minsan na lang magbukas..sa madaling salita lulubog lilitaw na lang cya at promis ulet na walang katapusan na magbabayd.ni isa wala pa syang binabayad.. kaya nagalit na sakin ang taong hiniraman ko,at dahil sa hiya ko at ako nakiusap sa kanya at kumuha ng 70k ako na lang po ang nagbabayad ngaun paunti unti sa taong hiniraman ko para sa kanya.. at nang matuklasan ko pa ang addrs.nyang binigay sakin wala palang condo unit number?pero merong name ng condo at addrs.. kaya ask ko po cna kung meron pang paraan para macngil ko po cya or meron pa ako puede ihabol sa kanya kc ako po ngaun ang nag suffer sa ginawa nya…salamat po

  6. Dear atty..hihingi po sana ako ng payo galing sa inyo..gsto ko rn po malamn ang krapatan ko bilang nangutang..ako po ay ngkautang ng 25k sa kapitbahy nmin,sa tubo na 20%,sa loob ng 18mos maayos ko pong nbyran ang interest kada buwan hnggang sa dumating na hndi kona tlg kayang byran dhil nwalan kmi ng pgkakitaan arw2..pina stop ko po ang tubo nong nov.2016 at ng promise na babayran sa feb 2017,pero pia pirma nya ako sa halagang 25k+ tubo cmula december hanggng feb 2017,ibg sbhn d po na stop ang tubo,un nga lng titigil na xa sa panandiliang pangunngulit..pumayg po ako,bale 25k ay ngng 42k..nong hindi ko po nbyran ang pingusapn nmin dhil meron po akong inaasahng pera eh d ntuloy kya dko xa nbyran hanggang pinabaragy nya po ako..sa usapn nmin sa brgy na mgbbyad ako sa loob ng 6mos ay hndi ko prn nkuhang byran dhil sa sbrang nagipit kmi mgaswa…ngaun po atty inakyat nla sa court sa small claims case,nglabas ang judge ng sagot na mgbbyad ako ng 42k+ang bngy na tubo ng korte na babayran ko sa loob ng isang taon buwan2..nkpg bayd ako nong january 2018 ng 3710 dhil un ang monthly payment ko,ngaung feb at march dko po nbyran kaya bumalik nmin ung inutangan ko sa korte at ngharap nmn po,un lng d ako ang humarap ang nany ko po..nkiusap ang nanay ko kng pwede ay hbaan pa ang palugit ng byran dhik dna mkyang byran,sa court room kng san cla nguusap,pinalbas nla ang mama ko at ngusap ang judge pti ang inutangan ko,d alm ng nanay ko knh ano pingusapn nla,ang tanong pwede po ba mngyri un na cla nmn dpt mgharap ng nanay ko atty? Kc d alm ng nanay ko kng bkit xa pinalbas,ngaun pgpasok ng nanay ko ulit,cnabi ng judge na d dw mgpyag ang inutangan ko na mgextend pa,ngaun kng dko mbyran ang dlwng buwn hanggang kataposan eh kukuha na ho ng gamit sa bahy ng nanay ko,ang prblma po eh wala akong gamit na sarili samin,lht ng un gamit ng nanay ko..pwede po ba un at pinapirma nla ang nanay ko..ano po ba gwin ko atty? 5-6po xa..sa laki ng naibayd kong interest sa knya,sbra2 pa sa nhiram ko,dba owede bgyan dn kmi ng karapatan? Tulong po atty..

  7. Gud day po madam hingi po ako sayo ng payo anu dapat kong gawi hirap na ako mKabayad sa paluwaga almost 30 po ang utang ko wala naman po kami pinirmahan o agreement gusto ko sana mangyari kausapin sila mga member ng paluwagan na unti unti ko sila babayarand ko nman tatalikuran ang utang ko sa kanila pag iipunan ko para mabayaran ko sila at hindi naman po ako nangangako na mababayran ko sila ng buo anu po dapat ko gawin mom

  8. Dear atty. Acosta good day pwedi po b kaming kasuhan ng bumbay dahil naging garantor po kami ng ilan tao na pinautang ng boss kung bumbay ? Tapos tumakas sila hindi po sila nagbayad . Ano po ang dapat kong gawin dahil kami daw po ang dapat magbayadsa mga inutang nila pki sagot lang po salamat po?

  9. Hello po…hihinge po sana ako ng tulong tungkol sa utang ng nanay ko…50,000 po iyon eh wla pa xang maipambayad dahil nalugi po xa dahil sa pagkawala ng aking tatay nahugot pati puhunan….eh gsto ng lending company na manguha ng gamit sa bahy kaso po ang mga gamit na iyon ay sa kapatid ko at hndi alam ng kapatid ko na mga gamit nya ang mga nka kolateral sa inutang ng aming ina….

    Ano po kaya dapat naming gawin?
    Ano ang mga kailangan nila maipakita sa amin na pd sila kumuha ng gamit…although nakpirma doon ang nanay ko sa mga gamit na nilista nya….

    Sana mapansin nyo po ako..

    Lubos na gumagalang alita…

  10. May mga pautang po ang byenan q na hindi nasingil gang sa namatay n cya….karamihan po 10-11 years na at hindi pa rin nabayaran ng mga nagkautang….masisingil pa po ba ito ng mga anak?may mga kasulatan po ito at iyong iba my mga titulo pang nakaprenda….pano po namin masisingil ang mga may utang

  11. Atty. panu kung wala kaming written agreement na pinautang ko siya? Ipapatawag ko siya sa Punong Barangay kung hindi kami magkasundo doon, maaari ko na ba itong isampa o idulog sa MCTC . gayundin, wala kaming napagkasunduang interes maari ba akong magdemand?
    salamat

  12. Magandang araw po.ilang taon ang utang n.a. pwede pang singilin o kakasuhan.?
    Kung sakaling high sa 5 taon n ang utang may laban pa n.a. to?

  13. Attorney ano pong gagawin nmin ung kapatid Ng tatay ko may napagkasunduan silang lote na may Bahay na dati nming bhay nong bata pa kmi pero nakapagpatayo po kmi Ng ibang Bahay tpos ung dati nming bhay doon nakatira any kapatid Ng tatay ko napagkasunduan na bayadam Ng 100 000 pesos pero nakapagbigay na sya Ng 20 000 LNG hanggang ngayon dina naming masingil Ang balanced nya . Ano po gagawin nmin.salamat po

  14. Dear attny Acosta,
    May nakautang po saakin na halagang 32k sa tuwing nangangako sila na magbabayad hindi sila nakakabayad hanggang sa umabot ng 1 year ang utang nila…pano po gagawin ko para may kasiguradohan ang araw at ang pagbabayad nila saakin…lalo na po ngayon na nag aaway kami..sana po mapayuhan nyo ako.

  15. Dear atty. Acosta mag tatanung lang po ako may umotang kc sa akin ng pera at ang usapan namin 3mths to pay or 6gives at bawat kinsinas at katapusan sa twing sahud nya mag bibigay sya bilang hulog sa inutang nya. At bilang pambayad nya sinanla or ginarantiya nya ung payrol ATM nya sa akin kasi don pumapasok ung sahod nya at ang usapan namin na ako ung mag withdraw sa sahud nya at babawasan ko ung sahud nya para sa hulog or data nya sa utang nya sa akin at ung subra binegay ko sa kanya. Sa loob ng isang bowan naging ok ung usapan namin naka pag bigay or naka paghulog sya sa akin ng dalawang bisis kahit wala na nasunod ang halaga na ibigay nya sa akin ayon sa pinag usapan namin sa kadahilanan na marami syang dahilan at pinag bigyan ko sya. At pag lipas ng isang bowan or sa pangatlo na sana nyang hulog pag enquer ko sa ATM nya naka block na kaya agad ko syang tinawagan kung bat ganun ang sabi lang nya babayaran naman daw nya ung utang nya sa akin at dumating sa araw na duedate na nya d parin sya nag babayad at sinabihan lang nya ako na renewhin nalang daw nya ung balance nya e 3mnths parin daw or ganun din kagaya sa usapan namin at sa twing kinsinas e tetext ko sya upang singilin kc wala na syang ginagarantya sa inutang nya sa akin ang sabi lang nya babayaran naman daw nya kaya natapus nanaman ulit ung 3mthns na pinaki usap nya kaso natapus ung 3mnth pero ung utang nya or balance nya hangang ngayon d parin tapus kasi d na sya nag babayad o nag huholog sa utang nya at lagi nalang nya akung pina pa asa sa wala..kaya anu po ang dapat kung gawin kung pwdy kuba syang kasohan sa ginawa nya sa akin o anu ang mga habang ang dapat kupang gawin kasi nag usap na kami ng personal at ganun parin pa asa sa wala at kina usap narin sya sa oficina nila kaso ganun parin pa asa sa wala Sana po matulongan nyo ako sa problima kung to salamat po.

  16. Dear atty.
    Ano po pwde ko gaein action? Ung kapit bhay ko po ngkautang po sya sa tindhan ko na maygit 16taw. Po mg 4months na po singil naku nang singil pero wla prin pi hangga ngayon pinaasa lng po ako. May pampagawa po sya ng bhay nila pero pambayad skin wla. Dko na po alam paano sya maccngil sa utang nia

  17. Gud morning po atty.acosta..gusto ko lng po snang itanong kung ano po bang pwede kong gawin para d isang taong may utang po s nanay ko pero instead n magbayad e dalawang beses n po kming sinusugod at inaaway ng dahil s utang nyang natira p nung 2013…actually sinangla nia po yung house nila at my kasunduan n pag d nia nabayaran ng dec.2013 ay kusang loob po clang aalis s bahay na pirmado p po nilang mg-asawa. peros kabaitan po ng aking nanay hindi po cla pinaalis tpos ngaun po kung anu-ano png masasakit n salita ang cnsabi nia s aming lahat..maraming salamat po atty. sana po matulungan nio po kmi

  18. Atty.

    Papaano po kung higit sa isang dang libo ang kanilang pagkaka-utang? Kailangan ko pa po bang umupa ng abogado para ma-isampa ang kaso sa MTC?

  19. Atty magtatanong na dn po ako tungkol nmn sa aking case
    Ung sister-in-law po ng ka-ofcmate ko e nagpapautang, so ang ginawa po nmin e kumukuha kmi ng pera sa knila tpos binibigay ko nmn po sa friend ko na pinauutang dn nya aftr several months, d ko na po makontak ung friend ko wla po ako listahan ng mga pinahiram nya kc tiwala nmn ako sa knya, wala dn po kming kasulatan ng ka ofcmate ko, npagod npo ako sa kakahabol sa kaibigan ko kya pra mtapos nlng po e inako ko na lhat, nakiusap ako na kung pde 5k a month na paymt, dahil umabot npo sa 350k ung total na pnabbayaran skin kya lng ayaw po nla kelangan dw bayaran ko in 24mos plus 2.5% interst per month, mag issue dw ako ng cheque, ang net ng sweldo nmin mag asawa ay 29k lng, may 2 akong anak na nag aaral, nagtutuition preho, nung una pmayag nlng ako pra wlang gulo kaai tinaqag pa kong sinungaling ng asawa ng ka-ofcmate ko, tpos aftr 1 day, gusto nmn ggawa ng contract which is ok lng, kya lng gusto pa may i-collateral ko ung kotse nmin, hinihingan ako ng id na may specimen signatures pa, pati asawa ko dn daw papirmahin, na hndi nmn ksali sa transaction nmin. willing npo ako nung una e pro prang may mali e, d nmn ako ung gumamit ng pera nagkataon na ako ung may kilala dun sa tumakbo, kya out of kahihiyan inako ko na pro napag isip-isip ko lng po e kelangan ko po ba pipilitin ung sarili ko mgbyad ng naaayon sa gusto nla o pde ko po ba i-insist ung 5k na kaya ko lng ibayad at kung pde dn sna e wala nang intetest dhil d nko mtatapos nun? Hindi ko na po kc tlga mhagilap ung friend ko na nagpahiram ng pera e

  20. dear atty. acosta,
    mayrron pong utang sa nanay ko ang mother ng kasalukuyang mayor ng aming bayan, mga 17 taon na po ang nakararaan…ang tanong ko po ay ganito: kung sakali po bang mamatay ang nanay namin, may karapatan po ba kami bilang anak na siningilin ang utang ni mrs. tecson?

  21. Dear Atty. acosta Gud day Poh! ang asawa ko po ay OFW at naisipan po nmin na magloan ng sasakyan at ginawa po nmin school service ang problema ko po ay may mga magulang n di nagbabayad 4 months npo. ang nakukuha ko sa school service ay tamang tama lang po na pangbayad ng sasakyan pangsahod sa driver at sa asst. at pang krudo po!
    pinagbigyan ko na nga po sila ng ilang buwan! ano po ba ang dapat kong gawin/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.