Pagsibak sa PCG Personnel, Dinipensahan ng Palasyo

IPINALIWANAG NG Palasyo kung bakit sinibak ng Philippine Coast Guard ang mga tauhan nitong sangkot sa pamamaril sa Taiwanese fisherman sa Batanes.

Maaalala na binalewala at binangga pa umano ng Taiwanese fishing vessel ang barkong sinasakyan ng mga PCG personnel na nagbabantay sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nais lamang ipakita ng Coast Guard na transparent ang gagawing imbestigasyon alinsunod sa kahilingan ng bansang Taiwan.

Sinabi pa ni Valte na iniiwasan nilang may masabi ang ibang grupo at hindi mapulaan ang anumang resulta ng pagsisiyasat.

Kasabay nito, umaasa ang Palasyo na hindi maaapektuhan ang economic relations ng Pilipinas at Taiwan.

“No, at this point, ang sinabi po kasi ng PCG is that they want a transparent and an impartial and objective investigation so nagiging standard lang din po ‘yan, kapag meron pong ongoing investigation para wala pong masabi ‘yung ibang grupo na—para hindi po mapulaan ‘yung imbestigasyon or that they will not be able to cast doubt on the investigation that is being conducted by the PCG,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.