Pagsibak sa 2 Imbestigador ng NBI, Pinagtibay ng SC

LALO PANG pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na pagsibak sa serbisyo sa dalawang special investigator ng National Bureau of Investigation na nakatalaga sa Criminal Intelligence Division.

Napag-alaman na nahuli umano sa isang entrapment operation na nangingikil ng pera mula sa isang negosyante ang mga ito noong 2003.

Base sa desisyon ng Supreme Court 2nd Division, kinatigan nito ang petisyon ng Ombudsman at binaligtad ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbasura sa rekomendasyon ng anti-graft body laban kina Rodrigo Mapoy at Don Emmanuel Regalario na hinatulang guilty sa kasong Grave Misconduct at Dishonesty.

Una nang pinatawan ng Ombudsman ang dalawa ng pagkakasibak sa serbisyo at kanselasyon ng kani-

lang eligibility at retirement benefits at pinagbawalan na ring makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng pamahalaan, pero ito ay binaligtad ng CA.

Samantala, iginiit ng Korte Suprema sa kanilang desisyon na sapat umano ang mga ebidensiya para hatulan ng guilty ang dalawa sa kasong Grave Misconduct at Dishonesty.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.