Pagsibak kay ERC Chairperson Ducut, hiniling

PATULOY NA nadaradagan ang mga mambabatas na humihiling na sibakin sa puwesto si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut.

Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Barry Gutierrez sa Malacañang na dapat nang patalsikin sa puwesto si Ducut dahil bigo itong maprotektahan ang kapakanan at interes ng mga konsyumer.

Patunay aniya rito ang pag-apruba ng ERC sa pinakamataas na power rate hike ng Meralco.

Sinabi ni Gutierrez na bagama’t independent commission ang ERC, marapat na aksyunan na ito ng Malacañang dahil trabaho ng tanggapan ng Pangulo na siguraduhing karapat-dapat ang nanunungkulan sa pamahalaan.

Samantala, bukod kay Gutierrez, una na ring humiling sina ACT Representative Antonio Tinio at Bayan Muna Representative Neri Colmenares ng pagsibak kay Ducut.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.