Pagsasapubliko ng SALN nina CJ Sereno at SC Justices, Inaprubahan na ng SC

PINAGBIGYAN NG Supreme Court (SC) ang kahilingan ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na isapubliko ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Lourdes Sereno at 14 associate justices nito.

Matapos ang deliberasyon, pinagbigyan ang nasabing petisyon sa ngalan na rin ng transparency at public accountability.

Subalit ang mga inilabas na SALN ay sakop lamang ang taong 2011 dahil ito lamang ang hiniling ng PCIJ.

Lumalabas na may net worth ang Punong mahistrado na umaabot ng P18 milyon habang ang pinakamayamang justice ay si Mariano Del Castillo na may net worth na P108.9 milyon.

Samantala, lumalabas namang pinakamahirap si Justice Arturo Brion na may P1.4 milyong net worth.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.