Pagsasapribado sa mga bilangguan, tinanggihan ng DOJ

 

TINANGGIHAN NG DEPARTMENT of Justice ang panukala ni Quezon Rep. Danilo Suarez na isa-pribado ang New Bilibid Prison dahil sa eskandalong nilikha ng mga bilanggong inilabas pansamantala upang makiramay sa isang hinatulang killer.

Ayon kay Undersecretary Francis Baraan III, ang pagtatayo ng technical working group na iminungkahi ni Sec. Leila De Lima ay makatutugon sa problemang kinasasangkutan ng NBP.

“I don’t think the problems of the NBP will be solved by privatization,” tugon ni Baraan sa isinagawang press briefing ng DOJ.

Gayunman, pinag-aaralan na rin ng DOJ ang posibilidad ng pagtatayo ng mga regional prison facilities na nakasaad din sa panukala ni Suarez, ayon pa kay Baraan.

Sinabi ni Baraan, na siyang naatasang mamahala sa BuCor, na inaasahang magsisimula nang buuin ng DOJ at iba pang ahensiya ang TWG sa susunod na linggo.

Samantala, inihahanda na rin ng DOJ ang pagsasampa ng kasong administrabo sa mga opisyal ng BuCor na sangkot sa pagbibigay ng VIP treatment sa convicted killer na si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste.

(Parazzi Investigative  Team)

 

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.