Pagsasantabi sa Napatay na Taiwanese Fisherman, Itinanggi ng Palasyo

ITINANGGI NG Palasyo na naisantabi na ang usapin sa nasawing Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.

Sa harap na rin ito ng hindi pa naaaksiyunang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos isumite ang kanilang findings kay Pangulong Noynoy Aquino III.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nasa lamesa na ng pangulo ang NBI report pero hindi nito masabi kung ano ang magiging aksyon dito ni PNoy.

Sinabi ni Lacierda na maging sila ay walang impormasyon kung ano na ang status ng NBI report at kung anong hakbang ang gagawin ni Pangulo Aquino lalo na’t nakokompromiso ang libu-libong OFWs sa Taiwan na hindi na-renew ang working permits habang naka-freeze din ang deployment ng mga magtatrabaho sa nabanggit na bansa.

Maaalala na naiinip na rin umano ang pamahalaan ng Taiwan na malaman ang resulta ng NBI investigation kung may dapat bang panagutan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabaril sa Taiwanese fisherman noong buwan ng Mayo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.